Facebook

Agaton Orosa

                                                                                                                                                     Agaton Orosa started off as a businessman and married the widowed Josefa Villavicencio, sister of revolutionary heroine Gliceria Villavicencio. He was also first cousin to Simplicio Orosa, who was a delegate to Paris and the captain of the SS Bulusan (first warship of the Philippine Navy donated by Gliceria Marella Villavicencio).

Agaton and Josefa had three children. After Josefa’s passing he was widowed and remarried several times. He brought togetherness to his large household and showed devotion to his family and friends. Agaton became Mayor of Taal in 1934. During his public service, he always listened to the concerns of his people, especially those less fortunate. During the Japanese occupation, he demonstrated his bravery by facing the Japanese authorities and formidable guerillas while other officials did not. Agaton also accompanied the townspeople fleeing to Cavite. With the help of others, including his brother Paulino, he was able to house the people of Taal in schools and homes of generous volunteers until the end of the war. One principle he passed on to his younger generation was, “When you are able to help others, help to the fullest.”

 

“Tatang Aton” ng mga taga bayan at “Mamay Aton” ng mga taga nayon. Nahalal siya bilang alkalde o mayor, na kung turingan noon ay Presidente Munisipal; noong taong 1934 hanggang 1937.Ang pamumuno ng Lolo Aton at pamamalakad sa bayan ay simple, subalit tigib ng katapatan at tunay na pamalasakit sa kanyang mga kababayan. Napairal niya ang disiplina, nasupil ang magugulo at masasamang-loob, at sa gayon, ang Taal ay matahimik at mapayapa.

Naging gabay niya sa panungkulan, una ang panginoong Diyos, ang malinis na konsensiya, makatarungang paninindigan at tapat na pagdamay at pagkalinga sa kapwa.Pinasigla niya sa mga nayon ang kani-kanilang industriya at dalubhasang kaalaman na pagkakakitaan tulad ng pag-gawa ng mga laseta at pagbuburda ng mga Balisong, paggawa ng gulok at iba pang patalim sa Pandayan, pagsasawali sa Mahabang Lodlod, pagpapanotsa sa Seiran, pamumukot at pagbabaklad ng isdang loob sa Pansipit at San Nicolas.

Inanyayahan din niya na dumayo dito sa Taal ang tanyag na Maria Orosa at mga kasamahan sa Bureau of plant Industry upang turuan ang mga kababaihan ng ibat-ibang gawaing pagkakakitaan. Sinikap din niyang mapangalagaan ang mga planta na ilaw at tubig, kaya ito ay hindi naging suliranin noon.

Noong sumapit ang panahong kritikal na ang mga kalagayan at walang awang pumapatay na ng maraming tao ang mga aboridong Hapon, kinailangan umalis sa Taal at lumayo. Inakit niya ang mga pamilyang walang mapuntahan na sumama sa isang “exodus” patungong Alfonso, Cavite, na kinaroroonan ng kanyang kapatid na si Paulino Orosa.

Nang tumahimik at makabalik na sila sa Taal, kinikilala ang kabayanihang ito ng Lolo Aton ni Presidente Sergio Osmeña Sr. at siya ay nahirang na Alkalde. Subalit ito ay kanyang tinanggihan, dala ng kanyang katandaan.

Namatay siya sa gulang na 78 noong ika-26 ng Agosto, 1950. Hanggang kamatayan, nanatili siyang simple at pangkaraniwan. Sa kanyang kababaang-loob, hindi niya ikinatuwa ang matawag na “Don Agaton.” Ang kanyang tanging kayamanan at habilin sa angkan ay ang mga ginintuang aral na ipinagdiinan noong siya’y nabubuhay.

Lumaki ang Lolo Aton sa tahanang nakatirik pa ngayon sa plasa—isa sa bahay na tatlong palapag, ngayo’y pag-aari ni Gng. Engracia Calanog at kanyang pamilya,naging kapalaran niya ang makipag-isang dibdib na apat na beses – lahat ay legal – at apat na beses din siyang nabalo.

Ang una asawa ay si Josefa Marella na dating balo ni Isabelo Villavicencio; ang ikalawa ay si Emeteria Sison, dalaga; ang ikatlo’y dalaga din, si Josefa Sison, kapatid ni Emeteria.

At ang ikaapat ay si Estanislawa Morales, dating balo ni Isidro Clarin siya’y nararapat na itanghal na bayani, dahil sa matinding damdaming makabayan at pagkalinga sa kapwa na ipinahayag sa mapayapav at marangal na pamamaraan, dahil sa kanyang kagitingan at kusang pag-alay ng sariling buhay sa mga panahon ng kagipitan, dahil sa magandang diwa ng kanyang pagkatao.

Tunay ngang siya’y “A Man for Others”.